28 Hunyo 2025 - 09:55
Ang reaksyon ng Tokyo sa pahayag ni Trump tungkol sa paghahambing ng mga pag-atake sa Iran at sa Japan

Isang matataas na opisyal ng Hapon ang nag-react sa pahayag kay Pangulo ng US tungkol sa pagkakatulad ng mga agresibong pag-atake ng US laban sa Iran at ng nuclear bombing ng Japan noong ginawa ng mga Amerikano noong World War II sa Japan.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyanag Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumaknila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Isang Punong Kalihim ng Gabinete ng Japan, na si Yoshimasa Hayashi noong Huwebes ay tahasang nanawagan sa Pangulo ng US na manatiling tahimik tungkol sa mga makasaysayang pag-unlad at sinabi niya, na ang pagtatasa ng mga pag-unlad na ito ay dapat gawin ng mga eksperto.

Ang Pangulo ng US na si Donald Trump, sa isang pakikipagpulong sa NATO Secretary General Mark Rutte, sa The Hague, ay gumawa ng kakaibang pag-aangkin, na ang mga agresibong pag-atake daw ng US sa mga pasilidad ng nuklear ng Iran, tulad ng nuclear attack ng bansa sa Hiroshima at Nagasaki noong World War II, ay ung san daw ito humantong sa pagtatapos ng digmaan.

Ayon sa ahensiya ng balita ng TASS, sinabi ni Hayashi bilang tugon sa isang tanong mula sa mga mamamahayag: "Alam namin ang mga pahayag na ito. Naniniwala kami na kung paano masuri ang mga tiyak na pag-unlad sa kasaysayan ay dapat gawin ng mga eksperto."

Sinabi rin niya, na ang atomic bombing ng Japan ay humantong sa "pagtatapos" ng World War II.

Binigyang-diin ni Hayashi, na ang mga opisyal ng Hapon ay may pare-parehong posisyon sa mga pag-atake at naniniwala na ang atomic bombing ng bansang Amerika ay humantong sa pagkamatay ng isang malaking bilang ng mga tao, ang paglitaw ng mga sakit, matinding pagdurusa ng mga tao at isang malagim na makataong sitwasyon.

Sinabi ng matataas na opisyal ng Hapon, na ang internasyonal na komunidad ay dapat aktibong lumipat patungo sa isang mundong walang mga sandatang nuklear at gawin ang lahat upang maiwasang maulit mangyayari ang trahedya ng Hiroshima at Nagasaki sa ibang pang mga bansa sa buong daigdig.

............

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha